Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika’y nakikita
Sana nama’y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala’y pinulot mo pa
Di ka pa rin nagpakilala
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Ano’ng aking dapat gawin
Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba’y mayro’ng gasgas
Nais ko nang magpakilala
Dito’y mayro’n sa puso ko
Munting puwang laan sa’yo
Maari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Ano’ng aking dapat gawin
Kailan, kalian mo ba mapapansin
Ang aking lihim
Kahit anong aking gawin
Di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin
Ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing
Di mo pa rin pansin
Dito’y mayro’n sa puso ko
Munting puwang laan sa’yo
Maari na ba magpakilala
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Ano’ng aking dapat gawin
Kailan, kalian mo ba mapapansin
Ang aking lihim
Kahit anong aking gawin
Di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin
Ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing
Di mo pa rin pansin
Kahit ano’ng aking gawin
Di mo pinapansin…
No comments:
Post a Comment