Talaga naman, nakakapanabik
Talaga naman, nakakagulat
Nakapagtataka, ba’t ka nasa isip
Nakakapanghinayang, sana’y maulit
Talaga naming nakakabigo
Talaga naming nakakalungkot
Kung kelan pang malapit nang mahulog ang loob
Saka ka lumisan sa’king pagtulog
Panaginip, nakakabaliw
Nakikita nga, di naman natatanaw
Talaga naman, hanggang doon na lang
Ang pag-ibig na sana’y alay sa’yo’y
Talaga naming di na matutuloy
Talaga namang pinapangarap
Talaga naming gusto kang mayakap
Muling mahawakan ang iyong mga kamay
Kahit na alam kong ito ay di tunay
No comments:
Post a Comment